Teka Muna

January 28th, 2015 Comments off

Isipin mo ng matagal
Isipin mo ng malalim
ang kawastuhan ng
istratehiyang digmaan.

Hindi ba
mas maraming magagawa
mas maraming aanihin
kapag may kapayapaan?

Ang bunga ng digmaan
ay kapayapaan ng libingan.
Ang bunga ng kapayapaan
ay kasaganaan ng bayan.

Isipin mo ng matagal
Isipin mo ng malalim
para sa kinabukasan
digmaan o kapayapaan?

———
c r i o c k s z
01.28.2015. DC

Categories: My Mindanao Tags:

Ika-10 Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib

January 23rd, 2015 Comments off

weddingdayEnero 23, 2004 o 1234-ever, ang petsang nakaukit na sa aming pinag-isang dibdib. Isang matamis na ala-ala ang araw na ito nang ikinasal kami sa huwes ng RTC ng Makati. Marami kaming kasabay noon, siguro mga apat na pares. Ewan ko lang sa mga nakasabayan namin kung ilan sa kanila ang they live happily ever after. Basta kami, mula noon ay steady maligaya lang.

Kapos kami sa resources kaya pinagkasya lang namin ang konting baryang naipon, ilang na-solicit at na-utang para sa okasyon, at pambili ng murang singsing sa Ongpin – yung tipong ginto ngayon pero matapos ang isang linggo ay magiging tanso na ito na mag-iiwan ng libag na kulay dark green sa daliri.

Hindi namin kaya ang bonggang kasalan kaya minabuti na rin naming sa huwes na lang magpakasal. Sa wari namin ganun lang din naman ang kwenta, parehas lang din ang mga eksena: matapos ang mahabang mga wento’t abrakadabra, lulundo rin naman sa deklarasyong kami ay pinag-isa na bilang mag-asawa at maghahalikan bilang pinale ng seremonya, at pagkatapos magpapalakpakan ang mga saksi na parang nanuod ng pelikula ni Sharon Cuneta.

Pagkatapos ng kasalan, sakay ng dyip diretso pauwi sa inuupahang bahay sa Guadalupe para sa konting salo-salo. Mga ilang myembro ng Pamilya lang din namin ang bisita. Ang handa ay isang bilao ng pansit malabon na gawa sa makati, mga dalawang Coke litro, isang gallon na ice cream, tasty bread at tubig na pinalamig ng nilublob na yelo mula sa tindahan nila Pastor sa kanto.

Sa mga gabi ng paggunita madaling maalala ang mga okasyong kagaya nito. Ang pagbuo ng isang pamilyang nagumpisa sa mga payak na pangarap na pinunla sa hirap at ginhawa. Ang unang habi ng masayang ala-ala ng simpleng pamumuhay na nagbunga ng mga munting tagumpay.

Mula sa kasaysayang ito nabuo ang kwento ng buhay ng isang pamilyang maligaya kahit sapat lang sa kariwasaan, at masaya sa piling ng bawat isa, kahit palaging nagkukulitan.

Kahit papaano, hindi man marangya meron din tayong ating Happy Anniversary, wub you darling, Bambit. Tara kain tayo sa Chow King, tapos taya tayong lotto.

Categories: Family and Me Tags:

My Portrait

January 18th, 2015 Comments off

My 10 yrs old daughter, Himaya “Maia” Amarantha, drew my portrait on January 17, 2015.

ama_by_maia2

Categories: Family and Me Tags:

Darating Ang Papa

January 15th, 2015 Comments off

(Tula ni Romulo Sandoval, Pebrero 1980)

Darating ang Papa;
inaasahang bawat isa, hindi himala bagama’t bigla
ay imakuladang inodoro
pagsambot sa ipaaagaw na bendita.

Humahalimuyak ang ulat:
ipagpapaliban ng mga prodyuser
ang pagbibilad ng bold na pelikula,
at sa kanto ng Taft at Libertad, ang Impierno
ay temporaryong bibirangan.
Kahiyahiya sa Papa.

Inatasan ang mga Metro Aide na walisin, muli’t muli
ang mga libaging kalansay sa bangketa,
kulapulan ng berde ang mga galising damo.
Nakasampay sa mga dila ang hula
kung saan ipapasyal ang banal na roba:
sa Kapitbahayan o bahay-BLISS?
Pagkat walang ipis na dapat umaligid,
walang sulasok na makapuknat-kulangot.

Walang pagdarahop na dapat sumalubong.
Walang barbwayr na dapat sumalikop.
Tiyak, ang ngiti ng Papa ay abot-tonsura.
Dali, ikula ang mga maskara,
alisan ng garapata ang mga rosaryo’t kalmen,
ibabad sa lisol ang mga kaluluwa.
Darating ang Papa.

——-
President Marcos lifted Martial Law as “face lifting” precondition to the visit of Pope John Paul II on February 1981.

(Ang tulang ito ay mula sa koleksyong Kanta sa Gabi, Sipat Publications [1994])

Categories: Family and Me Tags:

MANANATILING BUHAY

January 13th, 2015 Comments off

(Para sayo, Bambit Gaerlan, salin ko mula sa kantang Buhi sa Kanunay ni Justino Romea.
Miss na kasi kita)

Mananatiling buhay
at hindi makakalimutan
ang Pag-ibig na nadarama ko
dito sa aking puso

Kahit simangutan
Kahit na laitin
Uusbong at lalaganap
dahil ang pag-ibig na tunay
hindi mamamatay

Paniwalaan mo sana ako
Manalig sa aking pangako
Pag-ibig ko’y hindi malalanta
kahit ilubog pa sa luha
Kung ang puso ko
sa kapalaran ay kitlin
doon sa langit
kita hihintayin.

(November 2014, Cotabato City)


Categories: Family and Me, Life's Soundtrack Tags:

Mao ra

January 13th, 2015 Comments off

Mao ra
(Para kay Bambit Gaerlan)
(Gihubad ni Criocksz gikan sa ‘Yun lang ni Pete Lacaba)

Tinuoray nga gugma hangtud sa kahangturan
mao ray akong ikahalad
Ug ang akong bugtong kasing-kasing kanimo itugyan
Mao ra, mao ra.

Hagaron ko ikaw og suroy sa adlaw
ania akong kamot nga hawiran inig moulan
ug init sa akong dughan sa mabugnaw nga kagabhion
Mao ra, mao ra.

Daghay saad ang uban
Andam ihatag bisan ang kalibutan
Matam-is nga halok ug parayig
mao ray akong ikahalad
Kung gusto nimong mahibaw-an ang akong pangandoy
simple lang ang akong itubag
basta ingnon lang nimo nga ako, ako lang imong gihigugma
mao ra, mao ra.

Categories: Family and Me, Life's Soundtrack Tags:

I r a Scottish Rite Mason

January 13th, 2015 Comments off

LScottishRite2ast October 18, 2014,  I took the vows of a Perfect Elu and a Knight Rose Croix of the Ancient and Accepted Scottish Rite of Freemasonry in Cotabato Lodge of Perfection and Cotabato Chapter of Rose Croix respectively, under the Cotabato Bodies, Valley of Cotabato City, A.A.S.R. of the Philippines.

ScottishRite1

 

Categories: Freemasonry Tags: