Home > Family and Me > Baguio Holiday

Baguio Holiday

November 2nd, 2005

Let’s go into the mountains and leave it all behind…

Yup, katulad ng kantang yan, ang Soft Melody ni John Kaizan Neptune, ang ginawa namin before Halloween. We went to Baguio for a short 4 day vacation. Pinili naming umakyat before the holiday para hindi pa puno ang Baguio ng mga bakasyonista, wala pang traffic at wala pang momo…hehehehe.

Second family vacation namin ito. Yung una sa Mindanao pa when Maia was only about 7 months old. Plano talaga namin ng partner kong si Bambit na magkaroon kami ng regular family vacations. We believe that building happy memories together strengthens family bonds. Besides, kelangan din ang ganitong mga breaks bilang respite sa pressures ng trabaho and the hustle and bustle of city life. So, off to Baguio we went.

Maganda pa rin ang Baguio. Tumpak pa rin itong tawaging vacation capital ng Pilipinas. Maraming magsasabi na sawa na sila sa Baguio, same old spots (i.e. Mines View, Burnham, etc…) lang din naman daw ang pupuntahan. Precisely, one goes to these same old spots because you can find them only in Baguio.

The most elementary rule in going to other places is you go to see, feel and find stuff that you don’t find anywhere else. You don’t go to Baguio to visit SM or eat at McDonalds, etc… Though some people suggested SM as one of the places on our itinerary, we resisted. There are more interesting places one ought to go in Baguio than these implanted symbols of western consumerism.

You want to go thrift shopping – go to the wag-wagan or ukay-ukay where you’ll find some good and rare stuff. You want to eat chicken, have a taste of the pinikpikan. And for a good brew, try the Benguet Coffee being sold at the Baguio Market.

Masaya ang pagliwaliw namin sa mga Baguio landmarks. Para na rin itong revisitation ng nakaraan. Not so long ago ako ang batang akay ng aking mga magulang habang namamasyal sa Mines View, sa Mansion, sa Grotto, sa Baguio Cathedral at sa Burnham Park. Ngayon ako naman ang umaakay sa aking baby habang namamasyal kami sa mga pook na to.

Nilibot din namin ang Camp John Hay kung saan binisita namin ang sinasabing “haunted” na century-old Bell House. We witnessed a pass in review practice of the CCAFP on the Borromeo Field of Fort del Pilar. We had a healthy lunch at Bencab’s Cafe by the Ruins where they serve organic rice and veggies. Their pasta is great too. We strolled up and down the Session Road in the morning and at night time. We negotiated the wag-wagan / ukay-ukay where we got some prized finds. We bought some pasalubong food stuff at the Mountain Maid Training Center of the Good Sheperd. Dito maliban sa nabibili mo na ang original pasalubong stuff, you help send the Cordillera Youth through College each time you buy their products. We got a whiff of Baguio’s artistic flair and experience a Cordillera eco-village at Tam-awan Village.And of course, my Maia got her first, albeit ersatz, boat ride at the Burnham park. A cousin of mine also invited us for a gimmick at Brewyard in Nevada Square where his band, the Amber Moon, regularly performs.

Siyempre pa, walang katapat ang ginaw ng Baguio. Ni hindi ka pagpapawisan sa buong araw na gala. At kahit may panaka-nakang ambon at pag-ulan hindi namin alintana ito sa aming mga lakad. Maganda rin ang nakuha naming accomodation sa penthouse ng Baguio Condotel. Spacious and very comfy at kumpleto ito sa mga kagamitan lalo na sa kusina. Kaya kadalasan, nagluluto na lang kami for our dinner. May malawak din na balcon ang penthouse overlooking Burnham Park. Dito kami nagrerelax at nagkakape al fresco after a day’s pasyal.

Nothing much has changed in Baguio, except of course for the SM mall. From where it stands, that SM mall imposes its presence upon the verdant landscape of Baguio like a sore thumb, nay, like a poisonous mushroom. Ngunit habang nanatili ang heavenly climate ng Baguio, ang mga lumang buildings at iba pang places of interests nito, ang mayamang indigenous culture nito, mananatiling Baguio ito ng aking masasayang ala-ala. Ganun din sana ang magiging ala-ala ng aming mga anak.

Baguio, hanggang sa susunod nating pag-uulayaw.

Agbiyag ti Baguio!

Categories: Family and Me Tags:
  1. November 5th, 2005 at 17:53 | #1

    kakainggit naman!

    musta na?

  2. November 6th, 2005 at 10:22 | #2

    wow! we were in baguio, too! naku, kuya, baka nagkasalubong tayo doon at ni hindi tayo nagkakilala! hehehe:)

    we went to the usual places sad. burnham (where the eid prayer was held), camp john hay, the manor, PMA, tam-awan village, bars, and lots more. ang saya! we even went to SM kay i had to buy a new sim pack unya closed na man tanan globe outlet except for the one in SM.:)

    belated happy eid, kuya!:)

  3. Samuel Bilibit
    November 6th, 2005 at 13:41 | #3

    Hi, Inday Ayeza, ania kanunayng malipayon sa kilikiran sa akong mga minahal sa kinabuhi. Ikaw, kumusta naman ka?

  4. Samuel Bilibit
    November 6th, 2005 at 13:44 | #4

    Hello, Babypink…I was actually thinking of extending our stay para abutan ko ang Eid sa Baguio pero kelangan naming bumaba na before the Eid’ul Fitr. But just the same, I had a wonderful Eid at Maharlika Village in Taguig. Belated Happy Eid too.

Comments are closed.