Home > Other Stories > Kape, yosi at iba pang kwento

Kape, yosi at iba pang kwento

May 23rd, 2005

Linggo, day off ng aming mga kasambahay. Wala rin masyadong gawaing bahay maliban sa pagluluto at pag-aalaga ng aming baby. Hindi na kami lumabas para mamasyal o mamalengke. Pinalipas na lang namin ng Partner ko ang araw sa panunuod ng DVD at kwentuhan over a cup of coffee at yosi. Samu’t saring topiko ang kwentuhan namin, mula sa planong mamili ng mga tanim para sa garden, diapers ng baby, hanggang mahagip ang usaping blogging. Kapag usaping IT na si partner ko ang aking Wizard at ako ang kanyang masugid na apprentice.

Nag-umpisa kwentuhan namin hinggil sa blogs nang tinanong ko siya, “sa tingin mo ano kaya ang naghihikayat sa mga tao na mag-blog?”. Parehas kami nang pagtingin na karamihan sa mga nag-bablog ay mga taong naghahanap lang ng alternative outlet para daluyan ng creative juices nila. Makapag-interact sa mundo sa pamamagitan ng pag-ambag ng kahit anong nasa isip at saloobin nila. Parang isang therapeutic activity, mailabas mo pagtingin mo sa isang bagay o di kaya iyong karanasan sa buhay at malaman din kung anong reaction ng mga mambabasa hinggil dito. After all, may totoong buhay ka namang haharapin pagkatapos mong mag-blog.

“Ang hindi ko lang kasi maintindihan bakit may ibang tao na para bang ginagawang career ang pagba-blog, na para bang ito na ang buhay nila.”

Patawa akong sinagot ng parner ko, “Meron ngang ganyan at totoong career na nga nila ang blog”. Dagdag pa nya, “alam mo bang pwede kang kumita sa blog?”

“Ano?” muntik akong masamid sa iniinom kong kape.”Papaano?”

Eto na’t nagbigay na ng lecture ang aking mahal na partner. “Ang blog ay isang makabagong publishing medium, talo pa nito ang desktop at offset publishing. Dahil sa blog hanggat may internet may constant readers ka. Anytime kahit sino puedeng silipin at basahin ang mga pinublish mo.”

“So, anong connection nito?” tanong ignoramos ko.

“Ang internet ang nag-introduce ng mga makabagong paraan para mas mapabilis ang takbo ng commerce, marketing at advertisement,” patuloy nya. “You the consumer get the product shoved right in your face. Pagbukas mo pa lang ng browser mo babahain ka na ng mga advertisements.”

“Hmmm, so anong connection?” pagka-ignoramos ko lang talaga.

“Take Yahoo, for instance. Hindi ka ba nagtataka kung paano sila kumikita gayong libre naman ang ipinamimigay nilang email accounts?” Honga ano. “Sa advertisement at sponsors sila kumikita, binabayaran sila for displaying ads. So habang dumarami ang nagpaparehistro sa kanila lumalaki kita nila. Some advertisers kasi, imbes na gumasto ng bilyon-bilyon para sa one-shot ad in another medium, say television, thought it better na magbayad na lang sa mga gaya ng Yahoo—mas nakamura na sila, mas malawak pa masasaklaw ng advertisement nila.”

“Timpla muna ulit ako ng kape bago mo ituloy. Hmmm, interesting na to pagpunta mo na sa blogs.” Pagbalik ko may bagong kape na’t bagong sindi na akong yosi. “O game.”

“Same concept kung gusto mong kumita sa blog,” dugtong nya sabay higop sa kapeng tinimpla ko.

“Papaano?” pangungulit ko ulit.

“Pwede kang maglagay ng ads sa blog mo. You just have to sign up with one, gaya ng Google Adsense at iba pa, o magpa-affiliate link ka sa mga marketing websites… bawat click ng mga readers mo sa ads na to meron kang commission. Kahit hits o impression lang, o pagbukas mo pa lang sa page ng blog na nandun ang adds may kita na ang may ari ng blog.”

“Wow,” ang tangi kong nasabi. “Ibig sabihin, bawa’t bisita ko sa blog na may ad, kumikita na may-ari nun? Tsaka dollars pa ang kita?” Pastilan! “So anong gagawin para kumita nang malaki?”

“Simple lang,” dagdag ng partner ko, “ayusin mo blog mo at skills sa pagsusulat, gumawa ka nang mga critical o controversial na commentaries sa iba’t ibang issues at topics para may kiliti at marami ang reaction, at mag-maintain ka nang sandamukal na masugid na readers para may regular hits ka. Importante sa mga blogs na ito ang traffic, mas marami mas masaya.”

“Hmmm, ah kung ganun,” dagdag ko, “kung mas popular ka dahil sa dami ng bumibisita sa blog mo, mas malaki ang kikitain mo”. Lumalaro na ang malikot kong isipan. “At dahil ganito, iba’t ibang gimmicks ang maaring pakuluin kaya kung bakit nagiging parang showbiz na ang bloggosphere. Kaliwa kanang intrigahan at gamitan kasi the more may kontrobersya, the more na maraming interesadong makiusyoso, the more na may kumikita!” Parang telenovela, maienganyo kang babalikbalikan ang mga blogs na ito dahil gusto mong malaman ang kasunod na kabanata.

Ah, hindi malayong sa kabila nang mga akala mo’y mga blogs na may integridad at kredibilidad at kunwa’y purveyor ng mga virtues in blogging, maaaring sa likod nito ay isang malaking racket lang din pala… maaari, maaari. Tsk, kaya pala ang iba ginawa nang career ang blogging.

“O baka naman maisipan mo pang i-career ang blogging?” pabirong tanong ni partner. “For more info tungkol dyan, i-google mo na lang ‘earning from blogs or blogging for profit’.”

“Hindi na,” sagot ko, “buti pa ang i-google ko na lang e si Super Chona… yung blog na walang himala. Buti pa yun, enjoy ka.”

“Hahahaha,” sabay kaming napatawa.

Haay kinabuhi! “o siya, ubos na kape ko, magsasaing na muna ako,” sabi ko, sabay patay sa yosi.

Categories: Other Stories Tags:
  1. May 23rd, 2005 at 09:44 | #1

    SAM, dati meron akong google ads sa DIGITAL BOOK ko (wwwteachersol.blog-city.com) pero ang pangit ng dating eh, parang commercial blog ang dating. Kumikita na sana ako per clicks ng mga readers ko, kaya lang pangit talaga ang dating ng ads na yan lalo na sa personal blogs. Naisip ko naman, I’m not blogging for money anyway, tinanggal ko na. Pero sa totoo lang dito sa Amerika maraming yumayaman dyan. Makikita mo kung ginagawang commercial ang blogging at hindi na hobby lang…

  2. Samuel Bilibit
    May 23rd, 2005 at 10:47 | #2

    @ sol: dito sa pinas bago pa lang na-uso ang blogging pero mukhang sa ganitong trend na papunta ang blogging dito. kaya pwede mong ilagay sa ganitong context ang dahilan kung bakit mahalaga sa ibang bloggers ang maging popular.

  3. May 23rd, 2005 at 14:35 | #3

    great minds think alike hehehe tama ba yung quote ko?

  4. May 23rd, 2005 at 22:25 | #4

    personally, i’ve nothing against paid bloggers. as long as hindi naman nasa-sacrifice yung integrity at content nung blog itself, ok lang naman siguro. pero tama ka, super enjoy si chona. kung maglalagay siguro sya ng ads sa blog nya, aba, ang laki siguro ng kita nya, no?

  5. Punzi
    May 23rd, 2005 at 22:54 | #5

    Huli ng mahal na partner mo ang lahat!

    Ang masama lang yung yosi. Tigil mo na yan, masama talaga sa kalusugan yan…

    Link rin ako ha, kung ok lang sa iyo…

  6. Samuel Bilibit
    May 24th, 2005 at 01:20 | #6

    @ Ayeza: hehehe…my partner’s mind is greater than mine :)

    @ Ruth: Good point. Ang punto lang kapag naging main negosyo na ito, kahit gaano pa kaganda ang content but the motive is suspect, para sa akin in bad faith pa rin. Mas ang diin ng criticism dito ay ang mga pakana o iskema na maaring gawin para lang kumita at the expense of other bloggers. Yes, Chona is pure. She just simply wanted to entertain the readers and not to earn profit from them. Thanks for your comment.

    @ Punzi: Salamat Atty…pilit ko na nga sanang tigilan ang yosi, kaso lang napag-isipan ko malaki na nagasto ko rito, sayang naman (hahaha jok lang po)…I’ll take your advise seriously, kaya nga sa ending ng kwento pinatay ko na ang yosi. Of course you can link me, sa ganda’t galing ba naman ng blog mo, I’ll be honored.

  7. May 27th, 2005 at 18:58 | #7

    Hi Kuya Sam. Ang swerte mo naman kasi may free source of info ka thru ur partner… galing minsan ng mga info na they know no! I also learned something. Tempting yung idea na kumita ng pera thru blogging pero yung requirement na mag-comment sa mga topics na magpo-provoke ng reaction minsan is difficult. Kasi parang kailangan hulihin mo yung kiliti ng tao and I know for myself di ko kaya yon. So commercial blogging is not for me… kanya-kanyang timpla ng kape na lang siguro yon. Si Chona ba like Kuya Batjay? Matignan nga… Can I add you to my links too like Punzi? btw, found you thru Ruth…

  8. Samuel Bilibit
    May 27th, 2005 at 22:02 | #8

    @karampot: mga diwang lagalag lang yan. nasa mambabasa kung pano nila intindihin yan. :) like you said kanya kanyang timpla ng kape lang yan. thanks for the comments…sure you can link me up.

  9. May 30th, 2005 at 05:57 | #9

    hindi naman sa sipsip, pero kakainggit naman usap usapan at gawain nyo mag partner.

  10. May 30th, 2005 at 16:26 | #10

    @ jove: mas masarap yung hindi na kayo nag-uusap pero busy pa rin kayo sa isa’t isa…tsaka mas masarap ang ibig sabihin ng nag-USAPA’y sa bisaya..hehehe research mo na lang jove ibig sabihin nyan. thanks for dropping by Jove.

  11. May 31st, 2005 at 18:24 | #11

    sa reply nimo kay jove: hahaha! sipat!
    unta, mobalik na si super chona…

  12. Benchguy
    February 1st, 2008 at 14:09 | #12

    Thanks nabasa ko ung blog mo at may natutunan ako. Gusto ko ring subukan ung adsense kaso ala akong credit card e. pwede ba ka nako malink?

  13. February 2nd, 2008 at 00:44 | #13

    Fire away Benchguy…can you also provide me with your blog or website url. thx.

Comments are closed.