Home > Other Stories > Sampung Kautusan ng Manginginum

Sampung Kautusan ng Manginginum

April 4th, 2005

Sampung Kautusan ng Manginginum

1. Huwag makulit habang umiinom
2. Huwag matakaw sa pulutan
3. Huwag patagalin ang baso…may nagaantay na iba!
4. Huwag uminon ng uminom…bumili ka naman!
5. Uminom ng diretso sa tiyan…huwag sa ulo!
– bawal magbasag
– bawal makipag-away
6. Huwag biglang mawala…magpaalam ka naman!
7. Magtira ng panlakad pauwi…kahit hinlalaki!
8. Huwag matulog habang umiinom
9. Huwag mayabang at maporma
10. Huwag matakot sa asawa o sa syota

Pinagtibay ng Pambansang Kongreso ng Alsa Baso
Abril 1(Araw ng mga Tanga) 2005
Isla Puting Bato

(Pinirmahan)

Basilio “Basyong” Bote
(Pangkalahatang Tangero)

Simplicio “Jun” Tagay
(Pambansang Kampai)

Rev. Jude “Padre Hudas” Hik
PO3 Maximo “Amok” Mamaril
Kagawad Salvador “Badong” Bukol
Mr. Sixto “Totoy” Mola
Bgy. Capt. Bartoldo “Bart” Dipaawat
Mrs. Ligaya “Uhaw” Mangakit
(Mga Pambansang Tagapagpayo)

Categories: Other Stories Tags:
  1. April 4th, 2005 at 14:49 | #1

    Pwedeng magdagdag?

    * Huwag sumuka sa sahig – kadiri to
    * Huwag sumuka sa mesa lalo na sa pulutan – mas kadiri to
    * Huwag sumuka sa damit ng kainuman para hindi maumbag
    * Huwag sumuka sa kotse lalo na pag nakiki-hitch ka lang
    * Huwag lumuhod at yumakap sa inidoro pag sumusuka – nakakawala ng porma
    * Huwag na lang sumuka para alang problema

  2. April 4th, 2005 at 15:32 | #2

    padagdag den…
    * huwag itapon ang tagay, sinasadya man o nde, sayang ang binayad sa panginom.
    * ang inuman ay para sa kasiyahan, nde to para sa pagaaway at debate.
    * kung ika’y makikipag inuman, uminom ka at nde mamulutan lamang.

  3. Samuel Bilibit
    April 4th, 2005 at 22:49 | #3

    Hayaan nyo, kakosang Alan and Jeff, ipadagdag natin yan sa susunod na kongreso ng Alsa Baso….Salamat

  4. April 5th, 2005 at 15:35 | #4

    nyahahaha

    never ata pede na nde mattakot sa asawa at gelplen 😀

  5. April 6th, 2005 at 22:57 | #5

    yung #10 ang pinakamahirap sundin sa lahat! :)

  6. Samuel Bilibit
    April 7th, 2005 at 22:59 | #6

    Delish and Bambit…yang point #10 ang pinakamatagal na pinagdebatehan nuong kongreso…isang araw na puno ng tagay na binuno yan bago maaprubahan…ang siste ay ganito…hindi yan, huwag matakot sa asawa or syota pag-umiinom…kundi huwag matakot sa asawa o syota para mangutang pambili ng maiinom…hehehehe

Comments are closed.