Home > Philippines for Dummies > Si Mang Andres, ang bayaning pilit ibaon sa limot

Si Mang Andres, ang bayaning pilit ibaon sa limot

September 20th, 2005

Andres Bonifacio, Ama ng Rebolusyong Pilipino, tagapagtatag ng Katipunan, bayaning Pilipino; batang Tondo at may monumento sa Caloocan.

Malamang kesa hindi, sa ganitong mga kataga na lang natin naaalala ang isa sa pinaka dakilang bayani ng ating bansa. Malamang kesa hindi rin, wala tayong pakialam kung hanggang ganito lang ang nalalaman natin tungkol kay Mang Andres.

Sino nga ba ang magkaka-interes kung mismong ang Gobyerno natin ang siyang nagpapawalang halaga sa pag-gunita sa buhay at pakikibaka ng taong kinalala bilang Ama ng Rebolusyong Pilipino. Sino nga ba ang magkaka-interes malaman kung nagkaroon ba nang katarungan ang kanyang pagkamatay kung mismong ang Gobyerno natin ay patuloy na pinapatay maging ang kanyang ala-ala.

Sa paglaon ng panahon, unti-unting binubura ang ala-ala ni Andres Bonifacio. Ang Monumento sa Caloocan na tanging natitirang pinakabantayog ng Ama ng Rebolusyon ngayo’y pilit pinapatanggal para maibsan lang ang daloy ng trapiko sa lugar na kinatitirikan nito. Dati nakalagay ang larawan ni Andres Bonifacio sa perang limang piso, ngunit binura din ito at ang pinalit ay larawan ng Heneral na nagpapatay sa kanya. Pagkatapos nilagay na lang siya sa baryang 2 piso, at hindi rin nagtagal winala din ito. Bilang pangkonsuelo, isiniksik na lang ang kanyang larawan sa tabi ng larawan ni Apolinario Mabini sa perang sampung piso. Maging ang dating mapanghimagsik na katangian ng kanyang rebulto ay pilit na ring pinalitan nang hitsura. Ang Bonifacio na dating may hawak na gulok ngayo’y pinalitan na nang istatwang tila nagsusulat (o mukhang tumataya ng Lotto) sa Tutuban.

Ngayon naman maging ang pagunita sa kaarawan ni Mang Andres ay nais na ring palitan ng Gobyerno.

Ayon sa balita:

“PRESIDENT Gloria Macapagal-Arroyo has signed Proclamation No. 839 declaring Oct. 31 and Dec. 26 this year as special, non-working days, Nov. 28 as a non-working holiday, and Nov. 30 as a working day, Press Secretary Ignacio Bunye said.

Oct. 31, which falls on a Monday, comes before a regular holiday, Nov. 1, All Saint’s Day.
Dec. 26, which falls on a Monday, comes after another regular holiday, Dec. 25, Christmas.

Nov. 28 falls on a Monday while Nov. 30, Bonifacio Day, falls on a Wednesday. Malacañang apparently made the 30th, traditionally a national holiday, a working day and made the 28th the non-working holiday in line with Arroyo’s “holiday economics” policy, which merges holidays with weekends to to create longer break and encourage domestic tourism.”

– Philippine Daily Inquirer, Sept 09, 2005

Siyanga pala, ang namuno sa iskwad na nag-execute sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio sa Mt. Tala ay isang opisyal ni Aguinaldo na nagngangalang Major Lazaro Macapagal. Strange coincidence? History has indeed a strange way of repeating itself.

Categories: Philippines for Dummies Tags:
  1. September 27th, 2005 at 01:47 | #1

    hi kuya sam, long time no blog-hop. busy kasi. pero i’m glad I did. I admire Bonifacio, maybe i’m one of the few, and I’m glad that you wrote about him. Nakakalungkot talaga minsan ang ikli ng memorya ng mga pinoy sa mga ganitong bagay. kaya lalong ang baba ng tingin ng mga pilipino sa sarili nila minsan eh. yung sinabi mong nagsusulat sya, propaganda na talaga yan ng mga kano na talagang imbedded na sa atin. pero feel ko masuwerte ako kasi meron akong mga guro noon sa highschool at college na nagbigay sa kanya ng importansya. Sana magpatuloy ang ganitong pagtuturo para di natin sya makalimutan ng lubusan.

Comments are closed.