Soundtrack ng Buhay

May 30th, 2005

Minsan ini-imagine ko kung sa totoong buhay merong soundtrack bawat galaw, kilos o emotion natin. Parang sa pelikula, habang tumitingin ka sa mga lumang pictures mo biglang tutugtog sa background ang “Old Photographs” ni Jim Capaldi; kapag may upakan o dispersal sa rally biglang tutugtog ang “Sunday Bloody Sunday” ng U2 ; pagpasok mo sa trabaho sa Lunes na may hangover ka pa, ang “I dont Like Mondays” ng Boomtown Rats o di kaya, pabiyahe ka sakay ng bus patungong prubinsya sa madaling araw at habang pinagmamasdan mo ang pagsikat ng araw sa palayan biglang tutugtog ang “What a Wonderful World” ni Great Satchmo. At kung bad trip ka na sa buhay, try mo ang kantang “Goodbye Cruel World” ng Pink Floyd.

Pero kagabi hindi sinasadyang maranasan ko ang ganito. Habang nanonood ako ng news tungkol sa panibagong iskandalo na involve na naman si FG Mike Arroyo biglang nagpatugtog ng napakalakas ang aming kapitbahay ng kantang Hari ng Sablay. Napangiti ako. Tumpak, ang buhay nga naman minsan parang sineng may angkop na soundtrack.


HARI NG SABLAY
(Sugarfree)
(click on link to listen)

please lang wag kang magulat
kung bigla akong magkalat
mula pa nung pagkabata
mistula ng tanga
sa’n – sa’n nadadapa
sa’n – sa’n bumababangga
ang puso kong kawawa
may pag-asa pa ba

(chorus)

oooh, (woah) ayoko ng mag sorry
oooh, sawa na akong magsisi
pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta
ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding- hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

isang tama sampung mali
ganyan ako pumili
‘di na mababawi ng puso kong sawi
daig pa ang telenovela
kung ako ay magdrama
ganyan ba talaga guhit ng aking tadhana (repeat chorus 2x)

  1. May 30th, 2005 at 23:21 | #1

    lingawa gyuds diri oi hehehe

    wala lang gud agi agi lang

  2. Punzi
    May 31st, 2005 at 02:11 | #2

    Ganda ng nakuha mong picture. Parang siya pa ang kumakanta…

  3. May 31st, 2005 at 04:00 | #3

    it is a wow (for your pic selection genius) while the stomach turns and twists– on the verge of vomitting (upon realizing, it is HIM). hehehehe

  4. May 31st, 2005 at 23:17 | #4

    ang kulet ng post na ‘to, sam! it looks like The Man (of the Hour??? ha ha) is singing his favorite song!

    Hari ng Sablay talaga…

  5. June 1st, 2005 at 08:10 | #5

    Oo nga, natawa ako sa picture, tapos lalo akong natawa nang mabasa ko yung kanta…galing ng kapitbahay mo…pinapanood rin kaya nya yung pinapanood mo kaya nya pinatugtog yun? Yan talaga…right timing!

  6. June 1st, 2005 at 17:12 | #6

    bagay na bagay nga!

  7. June 1st, 2005 at 19:06 | #7

    Hindi ko pa naririnig ang kantang yan pero bagay na bagay ang lyrics. At ang galing ng picture. Kulang na lang eh tumalon galing sa kompyuter ko at mag-segue to “Great Pretender”.

    Wow, you know my Lolo Pinong and Lola Luz? I have such wonderful memories of Marawi and Iligan. We used to go there every summer when we were kids.

    Yes, my Dad’s Muslim name was Jalal. I still miss him in the most heart-wrenching way sometimes. If you have the time, I wrote a tribute for him last year which I would like to share with you. Nagkamali lang ako sa isang fact doon: Lolo Pinong had a Hall named after his in Dansalan College pala, not MSU. Anyway, here’s the link.

    http://87gentlestreet.pansitan.net/2004/03/remembering-daddy-today-was-supposed.html

    p.s. Nakita mo na ba yung Gaerlan family tree? Takot kasi akong i-download yung graphing software kaya hindi ko pa nakikita. Madali lang bang gawin? Haay…I’m so computer-phobic!

Comments are closed.