Home > Family and Me > Until one has loved an animal, a part of one’s soul remains unawakened. – Anatole France

Until one has loved an animal, a part of one’s soul remains unawakened. – Anatole France

December 12th, 2005

Naniniwala akong may therapeutic benefits ang makukuha mula sa pag-aalaga ng hayop sa bahay. Narerelax at naiibsan ang stress at pagod mo kapag inaalagaan o kalaro mo sila.

Isang aquarium ang aming inalagaan ni Bambit sa maliit naming apartment sa Guadalupe noon. Maalala kong palapit na rin ang Pasko noon ng bumili siya ng aquarium at sabay naming sinet-up ito. Magpapasko na naman ulit at ito ang unang pasko namin sa Manila mula nang bumalik kami dito from Mindanao. Plano na naman naming mag-alaga muli ng hayop sa bahay.

Dalawa ang pinagpipilian namin, mag-alaga ng aso o mag-set up ulit ng Aquarium. Pareho kaming ayaw mag-alaga nang ibon. Hindi sa dahil takot kami sa Avian flu virus. Para sa amin hindi dapat ikinukulong ang mga ibon. Masaya na kami sa mga ibong dumadapo sa aming bakuran. Sa pag-aalaga ng hayop isang malaking konsiderasyon para sa amin ang kapakanan ng aming baby Maia. Sa kanyang edad ngayon ano ang puwede naming alagaang hayop na hindi makakasama o delikado para sa kanya.

Mas gusto ko sanang aso ang aalagaan pero matapos balansehin lahat ng dapat ikonsidera, napagpasyahan naming Aquarium na muna saka na ang aso kapag medyo malaki na si Maia. Ang balak ko kasi sanang maging alagang aso ay isang working dog breed, isang Bullmastiff. Dream pet dog ko talaga ang Bullmastiff. Maraming nag-offer sa akin nang Pit Bull o Rottweiler pero dog of choice ko pa rin ang tinaguriang “Gamekeeper’s Night Dog”, ang Bullmastiff. Malaking aso ang Bullmastiff kaya medyo delikado sa kalagayang meron kang maliit na baby sa bahay. Hindi rin kami pabor sa mga mabalahibo at yung mga heavy barkers na aso.

Kaya bura muna ang alagang aso and on with our Aquarium project. Dati freshwater Aquarium ang inaalagaan namin, balak naman namin ngayong i-set up ay isang saltwater Aquarium. Ang plano namin ay isang reef and saltwater fish type na aquarium. Hopefully by middle of this month namin ito maseset-up para matapos ang ilang araw na cycle period ng tank, in time sa pagpasok ng bagong taon ay matitirhan na ito ng mga makukulay na isdang alat. Unlike a freshwater tank, it takes time for a saltwater tank to be ready for a new fish or other creatures.

Pareho kami ni Bambit na neophytes sa pag-aalaga ng saltwater aquarium pero pagkukusahan naming maging future Aquarists.

Categories: Family and Me Tags:
  1. December 13th, 2005 at 14:50 | #1

    I had read once na ang pag-aalaga ng hayop ay labis na nakakatulong sa kabuuang kaalaman ng isang bata. Some study shows that pet rearing helps the child to grasp in a better way the workings of human emotions such as loving, caring, anger and sadness that in the end, it helps in the proper maturity of the kid, allowing them to become useful and able individuals when they grow up.

    Me alagang manok ako noon eh and I was the one who feeds it every morning and every afternoon. I even carpentered its rooster house. Now, I can say I have a good carpentry skill.

  2. December 13th, 2005 at 17:45 | #2

    I agree Major Tom. In our case, the decission of not getting a Bullmastiff at the moment is not because this dog is not child friendly. In fact amongst the breed of working dogs, the Bullmastiff is the friendliest and most tolerant towards children. We’d just like to be on the safe side. Bullmastiffs even when still puppies are already humongous. One accidental wag of its tail can send a little child reeling to the floor. For us an aquarium would be ideal for our baby’s safety. I suppose it can somehow help our child appreciate not only the wonders of nature and the animal world but also towards learning to care for the environment.

Comments are closed.