Home > Other Stories > What does kupal mean?

What does kupal mean?

September 3rd, 2005

Nakakaawa kung tutuusin ang mga salespersons ng mga malls lalo na sa SM. Biruin mo naman, nakatayo lang sila buong oras ng shift nila. Kaya lang minsan nakaka-inis din kung matapat ka sa isang kupal na salesperson. Gaya nitong naranasan ko kanina habang namimili kami ng Mrs ko sa SM.

Ako:“Excuse me, Brod, meron kayong remote control na universal?”
Salesman: “Ano hong brand nyo?”
Ako: “Brand nang player ko ba kamo?…Samsung”
Salesman: (*tinuturo lang ang mga RC’s na nasa loob ng display shelf, habang nag-aayos ng buhok) “Ay, hindi ho puwede sa Samsung yan.”
Ako: (*nakalagay sa sticker ng RC na puwede sa Samsung). “Puwedeng pakibuksan ang eskaparate’t kunin mo yung RC nang matingnan naman natin.”
Salesman: (*saka pa lang kinuha ang RC sa loob ng shelf at inabot sa akin)
Ako: “O ayan ba’t nakalagay puwede sa Samsung.”
Salesman: (*tiningnan ang RC) “Ah, tinesting na ho namin yan, hindi ho gumagana sa Samsung.”
Ako: (*salubong na ang kilay)
Salesman:“Yun hong isa, gumagana yun sa Samsung”
Ako: “Asan yun?”
Salesman: “Ubos na ho ang stock namin nun.”

Categories: Other Stories Tags:
  1. September 6th, 2005 at 07:51 | #1

    i think kupal means…makulit, mataray, parang-sinong-tao… nakakaubos ng pasensiya… it’s common term sa Los Baños. “,)

  2. deejhei
    August 12th, 2009 at 16:16 | #2

    i think
    kupal means..

    kaberdehan,,
    in ader words..
    green minded/
    masanma ang dila…

    i guez…

    hmpt..msama sa mga babae ang magsalita ng word na “kupal”
    beacuse once na ikaw na girl ang nagsabi nun sa iba,,it only means na ganun ka,,,

Comments are closed.