Home > Other Stories > Eksenang Airport

Eksenang Airport

April 20th, 2006

Hinatid ko si Bambit sa airport kaninang umaga para sa biyahe nya for Singapore. Nang makapasok na siya sa loob to check in, nagpalipas pa muna ako ng ilang minuto na nakatambay sa labas habang inuubos ko yosi ko. Bigla na lang may kumalabit sa balikat ko na isang babaeng hindi ko kilala.

Banggit nya, “Puwede pong pagamit ng celphone nyo? may tatawagan lang po akong kasama ko”

Nagulat ako sa bigla nyang pagkalabit sa akin pero mas lalo akong nagulat sa request nya. Sa pagkagulat ko pinaulit ko pa sya, “ano kamo?”

…at tama nga ang narinig ko…

“Puwede pong pagamit ng celphone nyo? may tatawagan lang po akong kasama ko”, ulit nya sabay turo sa nakabukol sa tagiliran ko.

Bwakanangenang babae to, sa isip ko lang anong akala nya sa akin “Public Phone Booth?”.

Sagot ko sa kanya, “Sorry miss, hindi celphone to, baril to”. Pero hirit-kulit pa rin siya, “sige na ho, imposible naman hong may baril kayo pero wala kayong celphone, saglit lang naman tawag ko eh mga 1 minute lang”.

Lumingon lingon ako sa paligid baka kako set-up ito nang “Bitoy’s Funniest Video” o nang “Wow Mali” pero wala namang signs na may kumukuhang Camera sa amin. Hindi rin naman siya mukhang Ativan Queen at bakit nya naman ako dedengoyen e mas mukha pa akong sindikato kesa sa katabi kong kalbo!

Ang huling asar-hirit ko na lang sa kanya, “Hija, nakita mo yang Hapon na yan, (Sabay turo sa isang Hapon na bagong dating at mukhang wala pang hilamos), sa kanya ka na lang makitawag baka ibigay nya pa pati celphone nya sa yo”.

Laking gulat ko ulit nang bigla na lang siyang humalakhak, “Ay, siya ho ang kasama kong tatawagan ko sana, sige po” sabay sibat.

Tsk, mga eksena nga naman sa airport oo.

Categories: Other Stories Tags:
  1. April 21st, 2006 at 05:30 | #1

    hahaha wala lang siya kabalo mas wa-is ka niya hehehe

  2. April 21st, 2006 at 23:39 | #2

    Murag bag-ong skema sa pagkawat sa celphone. If one is too uncareful, somebody might just do this sort of thing and as she is calling, she could just runaway with the nifty cellphone. I think we should all be aware of this…

  3. Samuel Bilibit
    April 22nd, 2006 at 11:16 | #3

    @ Ayeza: sa buhay ngayon sa Pinas, pa-maroay lang gyud, para ka magsurvive.

    @ Major Tom: Yeah, perhaps this is one new modus operandi of cellphone snatchers. Pero in that woman’s case, mukhang desperate lang talaga siyang makatawag.

  4. April 25th, 2006 at 02:07 | #4

    hanubayun?! hangweird ni girl! hahahaha!:)

  5. April 26th, 2006 at 00:42 | #5

    i was thinking the same thing as Major Tom. Pero of course merong talagang real circumstances. pero kung maski basurero may cellphone, ba’t sya wala tapos may susunduin pa? oh well, at least sincere sya. good for you!

Comments are closed.