Home > Family and Me, Other Stories > Unang Hirit sa 2006

Unang Hirit sa 2006

January 20th, 2006

For the past weeks hindi ko na nabibigyang pansin ang pagba-blog. Medyo hindi maganda ang pagtatapos ng 2005 para sa akin. First, my Dad had a near fatal heart attack a day after Christmas in San Fernando, La Union where he and my mom spent their Christmas. Buti na lang naagapan at nadala siya kaagad sa hospital. And during those period, post-Xmas and New Year, pabalik-balik ako to and fro La Union and Manila. My Dad survived and he’s now back in Manila. But with his age at 81, medyo kumplikado at critical na health condition nya. Secondly, wala na akong trabaho ngayon, huhuhu. The project I am working with as Project Manager in an International Humanitarian NGO has already ended. Now am just finishing the project’s terminal report at sa muli I’m back to being enlisted in the army of the unemployed. On top of my priority to-do list sa pagpasok ng bagong taon ay maghanap muna ng trabaho at iba pang mararaket.

Kaya pansamantalang pasilip-silip na lang muna ako sa blogosphere at kung may chance at magkaroon ng gana magpopost din nang mga panakanakang entries sa aking blog. Medyo maraming kaganapang bumulaga sa atin sa pagpasok ng bagong taon na nakakaenganyong i-blog. Mukhang magiging exciting sa larangan ng pulitka ng bansa ang first quarter ng bagong taon. Parang nagbabadya ang isang panibagong unos. Meanwhile, tataya muna ako sa lotto at sa laban ni Pacman hehehe.

Categories: Family and Me, Other Stories Tags:
  1. January 20th, 2006 at 13:47 | #1

    sana po’y tuloy-tuloy ang paggaling ng tatay ‘nyo, kuya.:)

  2. January 20th, 2006 at 15:17 | #2

    hey Manoy!!! kumusta na po? welcome back sa Bloggers world….. tagal mong nawala ah.

    Parehas po tayo ng pagpasok sa bagong taon, ‘alang swerte :-( pero masaya pa rin kasi exciting tumaya ng lotto ngayon hahahah!!! 😀 ang taas ng premyo! sana…..may manalo na. Tataya di ako mamaya kahit sa isang araw pa ang bola hehehe…..

  3. Samuel Bilibit
    January 20th, 2006 at 21:39 | #3

    INSHAALLAH Baby Pink. Sukran.

  4. Samuel Bilibit
    January 20th, 2006 at 21:45 | #4

    Denver, aabot na nang 150M ang jackpot ng superlotto sa bola nito on Sunday. Chances are baka may makakakuha na nito. By then tapos na laban ni Pacman. Manalo man si Pacman may pangbonus na news at kung matalo may pangbawing news. Kaya lang baka mamaya isang opisyal ng gobyerno ang manalo para mas news worthy hehehe.

  5. January 23rd, 2006 at 22:11 | #5

    hi, Sam… sorry to read about your Dad’s condition… hope he will soon be ok.

    as to this writing, me nanalo na sa lotto at iisa lang! bakit kaya di ako nanalo. ‘lam ko na, di nga pala ako tumataya sa lotto he he

  6. January 24th, 2006 at 16:14 | #6

    So sad to hear about your father…Buti na lang naagapan ng maaga. I am sure your track-record will easily allow you to find another “racket”…Iba na pag me experience. Mukhang “masagana” nga sa issue and political sphere natin this early months of 2006 that we can have all day blogging bout them…Goodluck sa paghahanap mo ng trabaho.

  7. November 26th, 2006 at 22:42 | #7

    ang ganda talaga ang inyong palabas patipagdating ni pacman nakuhayo bilib talagaako sainyo sanamagpatuloypa ang palabas yo ako pu to ang sumusuporta sain yo

  8. November 26th, 2006 at 22:43 | #8
Comments are closed.