Home > Philippines for Dummies > As a rule, they’re punks, but if I was you, I’d watch my back

As a rule, they’re punks, but if I was you, I’d watch my back

January 18th, 2007

Kung napanood nyo sa news sa TV kung paano sinalakay ng PNP ang Provincial Capitol ng Ilo-ilo para lang paalisin si Gov. Tupas, tyak mapapamura kayo. Kung sa kalagitnaan na ng video footage ang naabutan mo aakalain mong ang nireraid ng mga PNP ay Kampo ng Al Qaida o di kaya’y mansion ni Tony Montana.

iloiloraid_small.jpgMalinaw na hindi crowd dispersal operation ang ikinasa. Naka-full battle gear, puro mahahaba ang dalang armas, naka CQB formation, trigger ready, galit, sumisigaw, nanlilisik ang mga mata at parang kakain ng tao ang asta ng mga magigiting na pulis.

At sinong mga kasagupa nila? Mga sibilyang walang dalang armas ni kahit nail cutter man lang. Meron pang isa na kahit may entry point na sila ay sige pa rin ang hataw sa walang kalaban-labang glass wall. Tsk, imbes na nagpapogi si kupal para animo magilas na war machine, nagmukha tuloy siyang kasapi ng demolition team ng MMDA…bwahahahaha!

Siyempre pa, ang komento ni Secretary Puno ng DILG hinggil rito ay, makatuwiran lang ang ginawa ng PNP at ika nya, "The policemen … should not be condemned. They should even be commended". Palakpakan. Hala sige, lusob!

Ano kaya magiging statement ni Puno kung sakaling biglang tinopak ang raiding team at naisipang paulanan ng bala ang mga sibilyan sa Kapitolyo!

Paumpisa na nga ang eleksyon…at ang nangyari sa Iloilo ay tila patikim pa lang. Nakikinita na natin kung paano magiging maaksyon ang darating na eleksyon.

(photo taken from Inquirer.net)

Categories: Philippines for Dummies Tags:
  1. January 19th, 2007 at 15:51 | #1

    Medyo na-OA nga ang scene na yon. It could have been risky since flared emotions might urge some civilians there to fight back. Buti na lang nothing like that happened.

  2. January 19th, 2007 at 23:42 | #2

    ARROYO GOVERNMENT should be impeach… tama na.. sobra na… arroyo resign na..

  3. January 26th, 2007 at 13:17 | #3

    according to latest developments, sabi ng task group na nag-imbestiga sa nangyari, job well done daw ginawa ng mga pnp-4. demonstration-wise (read: action-movie-rehearsal wise, nyahahaha) job well done nga naman ‘yun… pero lokohin nila tayo some other day, OA na pagpasok sa Kapitolyo ginawa nila. jows me, nakakatakot. out for masaker ang naging impression sa ‘kin ng operation nila.

    kung sakaling nangyaring napaulanan ng bala ang mga sibilyan, sasabihin ni Puno: it’s just an unfortunate incident. (and then, kailangan ulit idagdag) The policemen … should not be condemned. They should even be commended.

    gud lak, pinas.

  4. January 29th, 2007 at 22:33 | #4

    i hate them. masyado nilang naabuso ang kanilang kapangyarihan, overkill ang nangyari. di kaya bangag si puno?

Comments are closed.