Home > Philippines for Dummies > Doon Po Sa Amin

Doon Po Sa Amin

January 18th, 2007

Ayon sa isang kanta ni Jess Santiago,

“doon po sa amin, tatlong klase ang panahon, tag-ulan, tag-init, at saka eleksyon”

Oo mga kapatid, tag-eleksyon na naman. Madali natin itong maramdaman dahil malinaw pa sa sikat ng araw at kinang ng kalbo ang mga palatandaan nito:

1. Nag-uumpisa nang maging mabait at palangiti si Senador, Kongresman, Gobernor, Mayor at lahat ng kanilang mga amoyong(mga sidekicks).

2. Nakangiti na rin si Barangay Tsirman dahil tiyak uulanin na naman siya ng biyaya galing kay Sir at Ma’am.

3. Magbabago na naman ang kulay ng ating mga lansangan dahil babanigan ito ng mga makukulay na posters ng mga Pulitikong naka close up smile.

4. Tataas na naman ang mga insidente ng KFR, carnapping, bank robberies at iba pang election fund-raising activities.

5. Papatak sa mga balita ang mga kuwentong “Si so-so kandidato inambus o tinangkang ambusin”, “Si so-so kanditato may death threats”, “Si so-so kandidato nagkasakit at nahospital dahil sa pagod sa Public service”, … at marami pang ibang pang-Oscar awards gimmicks. Kasabay nito maraming expose ang maglalabasan.

6. Uso na naman ang mga surveys and polls.

7. Maraming mga nasa pusisyon sa burukrasya at militar ang mabibigyan ng promosyon – mga belated pamaskong handog. Marami rin ang masisibak o sapilitang tatanggalin sa pusisyon.

8. Ang PNP at AFP commands sa mga rehiyon at probinsya ay magkakaroon ng balasahan.

9. Dilubyo ang eleksyon, babagyo ng mga pangako, maglalandslide ng putik-pulitika at siyempre babaha ang….

10. Pera..

Kaya payong kapatid, sa panahon ng eleksyon….tanggapin ang pera, iboto ang nasa konsensya! Ano nga naman ang mapapala natin sa eleksyon…may karapatan nga tayong bumoto, wala naman tayong kapangyarihang maghalal, at the end of the day…ang COMELEC pa rin ang magtatakda kung sinong mananalo.

Hay, kantahin na lang natin ang kanta ni Jess Santiago…Ay…ay…ay…ayayayay buhay!

Categories: Philippines for Dummies Tags:
Comments are closed.