As Weeks Go By

December 7th, 2008

My past week have been all but upsetting and depressing. Pangunahin na rito, sa loob ng isang linggo my baby Maia was sick from a Urinary Track Infection (UTI). Her mommy Bambit was away to conduct a two weeks series of IT trainings in Masbate.

Dagdag pang nakakapanlumo at bad trip ang mga balitang: Ang patuloy na pagpapauwi sa ating mga OFWs na natanggal sa kanilang mga trabaho abroad. Ang P*** I*  si Jocjoc Bolante is still free and happy at nakakapagsinungaling pa straightfaced. And, for the fourth time, GMA was once again saved by her lapdogs in Congress from another impeachment complaint. !@#$%^&*!!!+… kung di ka ba naman manlumo.

Ah, but this week is all sunshine and at least a little glimmer of hope. Sunshine, for Maia is now up and about after undergoing anti-biotic treatment and Bambit is now back with us in our home sweet home. At ang konting pag-asa na baka sakali ay swertehin – no winner pa (as of this writing) ang Superlotto (6/49) 127 Million jackpot prize. (update: 144 Million na ang jackpot, no winner for Dec.7 draw)

Topping the happy news for this week and perhaps the following weeks to come, is Manny Pacquiao’s victory. Wala ng hihigit pa for a dose of Pinoy pride than Manny Pacquiao beating the boxing legend, Golden Boy Oscar De la Hoya. Manny deserves our praise – here is a man with the heart of a lion, fought against all odds and had won. Here is a man who had put the Philippines back in the center of the World stage, for a more honorable reason other than that of being the most corrupt country in Asia.

Wala akong paki-alam kung inuna ni Manny na pasalamatan si Chavit Singson o si Gloria o sino mang pulitiko…o si Ara Mina ba kaya, si Mang Karding, maging si Heztas, barabas kahit sino pa man…wala na tayong pakialam…si Manny ang umakyat sa ring at nakipagtagisan ng tapang at lakas, hindi tayo. Karapatan nyang sabihin kahit anong gusto nya dahil panalo nya ito. Ang mahalaga, Manny had once again gave us glory and pride, lasapin natin ito kahit sa sandali. Dahil tiyak bukas, sila Gloria, Chavit, Lito Atienza, etc..na naman ang magsasalita – yan na ang pagkakataong magmura tayo!

———————
Photo taken from Inquirer.net

Comments are closed.