My Hero

November 28th, 2010


Marami na ang naikwento hinggil sa buhay at kamatayan ng dakilang Supremo ng Katipunan, si Gat Andres Bonifacio. Marami rito totoo at marami rin na malamang kesa hindi, ay gawa-gawa lang.

Dahil masalimuot, marami pa ring mga katanungang ang naglalaro sa ating isipan: Ano kaya kung naitagumpay ni Bonifacio ang Rebolusyon? Ano kayang nangyari kung sa Baguio pumunta si Bonifacio imbes na sa Cavite? Maihahambing ba ang pagkakaibigan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa tambalang Batman and Robin?

Aahh, napakaraming katanungan, napakahirap sagutin. Heto na lang, mas madaling sagutin, Paano kung nabuhay si Gat Andres Bonifacio sa panahon ngayon?

Sa bilang na sampu masasabi kong, kung nabuhay si Ka Andres ngayon:

 

10. Tataya din sya ng Super Lotto 6/55.

9. May FB at Twitter account din sya.

8. Tiyak hindi siya nagtatrabaho sa gobyerno ngayon sa kadahilanang hindi siya gradweyt ng Ateneo, UP, La Salle, UST. O di kaya, dahil hindi sya rock star, lawyer-buddy, taga-Balay, taga-Samar, taga-Times, taga-Black and White movement, taga-Hyatt 10, bff ni Boy Abunda, kaibigan ni Mar, kaibigan ni Chiz, kaibigan ni Jojo Ochoa, kaibigan ni Joshua, etc, hindi rin sya naninigarilyo’t umiinom.

7. Baka kasama sya sa 2,000 mahigit na i-lilay-off sa PAL.

6. Pinoproblema din nila ni Oriang ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak dahil parang Private Schools na rin ang mga eskwelahang pampubliko sa taas ng mga sinisingil nitong mga bayarin.

5. Magagalit yun bakit ang estatwa nya sa Tutuban na imbes gulok ay lapis ang hawak nito at nakayukong nagsusulat na parang tumataya ng lotto.

4. Siyempre Mason pa rin sya and in good standing. At tiyak na taga-GLP sya, dahil isinumpa na nyang hindi na sya babalik sa Cavite. Alam nyo na ang dahilan.

3. At dahil nga Mason, tyak galit pa rin ang simbahan sa kanya kaya hindi nila sya mapipilit na pumusisyon laban sa RH Bill.

2. Nag-oorganisa pa rin si Ka Andres sampu ng kanyang kasamahan sa hanay ng uring anak-pawis. At dahil marami nang gumagamit sa pangalan ng Katipunan, ang tawag na nila sa grupo ngayon ay The Original Katipunan ng mga Kapuso, Kapamilya, Kabarkada, Ka-FB, Forever. Hindi nila ipapa-rehistro ang kanilang samahan bilang Party-List.

1. Di hamak, 147 years old na s’ya.

Mabuhay ka Ka Andres, ikaw ang aking Bayani!

Comments are closed.