Home > Other Stories > Kahit sa Panalangin

Kahit sa Panalangin

July 25th, 2014

Kahit sa Panalangin
(Matapos pakinggan ang kanta ni Yusuf Islam/Cat Stevens na The Little Ones)

Sa pagtulog mo ngayong gabi.

kahit sa panalangin
ipagdasal mo ang mga inosenteng
musmos sa Gaza,
sa madilim na gabi
nanginginig sa takot,
impit ang hikbi.

Nawa’y hindi sila masaktan
nawa’y manatili silang ligtas
nawa’y hawak ng maliliit nilang
kamay ang kanilang
mga laruan.

Ipikit ang iyong mata,
abutin mo sila,
at yakapin o itago sa ilalim
ng iyong kama kung yun
lang ang maari
mong gawin

kahit sa panalangin.

kahit man lang sa panalangin.

Davao City
25.07.14

Categories: Other Stories Tags:
Comments are closed.